Ang mga dugong sa lupa’y tumapon,
Nang sa isang iglap, noong ika-23 ng Nobyembre
Inihatid ng mga bala sa kabilang buhay
Ang hininga at mga pangarap
ng mga biktima ng Maguindanao
Masaker.
Hindi kayang ikubli ng labindalawang buwan
ang alingawngaw ng pighati at pangungulila
nitong mga kaanak, mga mahal sa buhay
ng mga naging bikitma ng Maguindanao
Masaker.
Pagkat sa gunita ng baya'y
umukit ang mapagmalaking
paglalantad ng mga naghahari-harian
sa Maguindanao -
sa gatilyo at pulbura
ginawang laruan
ang mga buhay na
'di nila nilikha at
'di nila pag-aari.
Sila'y mga diyos-diyosang may
kapit (noon) sa tanyag na Palacio.
Mulat pa rin ngayon
ang diwang tinulungan nilang mag-apoy,
nang tinangka nilang ikubli ang mga katawang nilisan ng buhay
ng backhoe at lupa.
Markado na rin ang pagbalik ng mga salarin sa lupa, ang kanilang
huling hantungan
Samo lamang sa piringang Hustisya -
gawing kasingtindi (kung 'di man higit pa) ang hatol sa
mga nag-astang berdugo ng Maguindanao.
At gawing buháy ang parusa sa kanila
at maging monumento ng pag-alaala
na sa likod ng maskara ng pamamahala
ay may mga patuloy pa ring nagkukubli,
gumagawa ng kanilang munting mga kaharian.
Marami pa nga ang dapat hugasan
sa ating putikang pulitika
Ngunit sa pagtiwala at pagpursige sa Hustiya,
may mga paunang hakbang tayong matatahak;
Sa gunita
mananatili ang alaala ng trahedya;
Sa puso
mananatili ang pag-asa para sa hustisya.
* isang munting tula para sa pag-alaala sa mga naging biktima ng Maguindanao Masaker
© Francis Murillo Emralino
Nobyembre 23, 2010 | Laguna

No comments:
Post a Comment